Friday, 25 October 2013

Crush Kita, Crush Mo Ko... Pano Kaya to?


Siguro naman, sa buhay naten, nagkaroon na tayo ng Puppy love, love, Crush, Love birds, Love kitten, angry birds at kung ano ano pa..Pero ngayon, pagtuunan muna naten ng pansin ang usapang CRUSH, Ano nga ba talaga ang kahulugan nito.?

 Ito ang mga kadalasang ginagawa ng isang taong may CRUSH:
 1. Tingin ka ng tingin sa kanya.
  2.  Ini-stalk mo profile niya.
 3. Ina-add mo siya sa lahat ng networking sites. Humahanap ka talaga ng paraan para magkaroon ka ng connection sa iyong crush.

 Pag nga naman siniswerte ka, eto ung mga feeling na:
1. May problema si crush. at sa iyo siya lumapit para tulungan ka. Gagawa ka talaga ng paraan para matulungan siya. Minsan nga, yung mga di mo kayang gawin, nagagawa mo dahil sa kanya.  Kahit gaano pa yan kahirap, gagawa ka ng posibleng solusyon. 
2. Awkwardness kapag kaharap mo si crush at pag nagsimula na siyang kausapin ka, nakakalusaw ng laway diba? :D Hindi mo na alam ang gagawin at susunod mong hakbang, matutulala ka na lang at ma speechless ang dating mo pag kaharap mo na siya. ;)
3. Emotion na may umaaligid kay crush. Ikaw naman tong si feeling na kala mo kayo na ee over ka kung maka-emote na. At ang pinaka sad part pa nito, ay ang dumating sa point na inrelataionship na si crush sa bf/gf niya. Syempre, masakit sa pakiramdam, daig mo pa ang broken hearted, Mag eemote ka tha max ka at hahagulgol, Syempre hindi na rin mawawala jan ung pag iistalk sa profile ng boyfriend o gilfriend  ng crush mo, tapos lalait-laitin mo yung picture niya. Ex: "Maputi lang yan, paitimin mo, pangit yan!". 
4. Unang nag-pm sayo si crush. Tapos yun pala, may kailangan lang pala sayo. Nakakaaalala lang pag may kailangan sayo. Pero minsan naman, nag ppm siya para magsabi sayo ng "Good Morning", pero yun pala, GM (group message) lang pala iyon. 
  Lagi mo ring tatandaan na "Huwag kang tatabi sa classmate mong may crush sa loob ng classroom niyo"  dahil oras na napangiti ni ang crush niya, o napatitig sa kanya. MAG-READY ka na sa HAMPAS at KUROT. baka gawin ka lang niyang punching bag :D
  Napansin ko lang din na kapag may usapan at umpukan, pag si crush yung maingay, ikaw naman itong may crush sa kanya at tatahimik, nakikinig lang! at at pasimpleng ngingiti-ngit sa mga sinasabi niya. Pero pag siya naman ang tumahimik, ikaw naman itong aari-ariba na magpapapansin, magpapa-impress para mapansin ka lang ng todo.Wala yan sahypermode, it's either nasa articulation o nag-iinarte o nagjo-joke para mapangiti si crush. Ang sarap kaya ng feeling na napangiti mo si crush dahil sayo. :D

Pero pano naman kung May nagka-CRUSH sayo, pero DI mo TYPE? Anong gagawin mo? 
 1. Wag na wag mo siyang lalayuan. Bakit? dahil baka madis-appoint siya at baka masabi niya sa sarili niya na baka nagbago ka  dahil nalaman mong crush ka niya. At baka dumami pa ang population ng mga emo. :D 
 2. Wag kang umiwas. Hindi mo rin siguro gugustuhin kapag sayo nangyari yan. Just "enjoy the company" and "Go with the flow" malay mo, maging crush mo din siya ;)  

 Ang MOTTO ng may mga crush ay: "HUWAG NA HUWAG KANG MAGPAPAHULI NA NAKA-TINGIN KA SA KaNYA" dahil baka mahuli ka at magulat ka, dahil nakatingin din siya sayo. ayiee. 
  Pero based on experienced din, hindi saken, sa kaibgan ko. Nagsimula yang crush crush na yan sa asaran, jan nagsisimula ung spark, yung feeling na:
 "Wala siya" dahil absent, masakit ang ngipin.
 "Empty and INCOMPLETE" sana umabsent na lang ako.. 
Tapos pag anjan na siya, HAVEEY na HAVVEY, Kabog na Kabog. 
Siguro nung una, hindi mo pa siya LIKE, pero sa kalaunan, gustung-gusto mo na pala siya.

Sa kabilang dako naman.Paano mo malalaman na May Crush ng isng tao?
 1. Makipag eye-to-eye contact ka. Look in his eyes or her eyes. Pag hindi siya makatitig ng direcho sayo, ibig sabihin, naiilang siya, its either galit siya sayo o may pag-tingin siya sayo. ;)
 2. Tanungin mo siya. "May gusto ka ba saken?" pero ang dis-advantage lang nito ay kung wala asiyang crush sayo. Baka mag mukha kang assuming. 
  3. Hintayin mo siyang umamin. Lasingin mo siya (Just kidding!) para mailabas lahat ng kaibuturan ng puso niya. :D kasi hindi rin naman siya makakatiis na hindi umamin sayo pag nasasaktan na siya. 
 4. Pakiramdaman mo. Basta mararamdaman mo naman iyan. mararamdaman, ng mararamadaman mo yan. Pero wala ng makakatalo sa feeling na "Si Crush ay may crush din sayo" WINNER! tapos magiging kayo. Wow! ang gaLing! pero ang hindi mo alam, may isang puso  namang dumudugo.  

Pero laging tatandaan na ang CRUSH ay paghanga lamang. Yung iba naman kasi, pag sinabing may crush sayo, ASSUMING agad na LOVE ito. Walang masama kung magkaroon tayo ng crush, kung makakabuti naman ito sa pag-aaral naten o lifestyle. 

Status: SINGLE

   
     Ikaw ba yung tipong NBSB or No Boyfriend Since Birth? o ang binagsakan ng langit dahil walang nagtatangkang manligaw dahil sa panlabas mong anyo? O sadyang istrikto lang ng magulang mo kaya lage kang nasa bahay? O kaya naman, lagi ka na lang nasasaktan kaya tingin mo, lahat ng taong may gusto ngayon sayo, ay sasaktan ka na lang. Kung isa ka sa mga ito, panigurado, Single ang Status mo ngayon mapa-Facebook man o sa totoong buhay.
     Mahirap maging Single, Oo, alam ko yan, yung  pakiramdam na ikaw lang mag-isa. Anu-ano nga ba ang mga advantage at dis-advantage pag Single ka?

1. Sa lahat ng oras, mag-isa ka lang. Kahit na tatawid  ka pa lang habang umuulan, tas may nakasalubong kang mag-bf/gf na nasa iisang payong lang, sweet at magka-holding hands. Hindi mo maiiwasan ang mainggit at naiisip mo na sana, ako rin may bg/gf na kasama ngayon sa gitna ng ulan.

2. Walang ka-date. pag mga especial occasion tulad ng Debut or pag Valentine's Day, mag-aaya ka pa ng tropa mong lalake para lang masabing may kapartner ka. Masakit kaya sa pakiramdam pag nakita mo yung mga kaibigan mo na masaya sila kasi may kasama silang guy, tas ikaw mag-isang nakaupo sa sulok, naghihintay ng may mag-aaya para lang makasama ka o masayaw ka man lang. 

3. Walang nag-aalaga sayo. Yung feeling na loveless ka, na ultimo pagkagising mo, umaasa ka na may magtetetxt sayo ng "Good Morning Babe, Ingat ka ngayong araw aa, Miss na kita, I love You <3 " Masakit pero totoo, mag-sa mong bubuuin ang araw mo na ikaw lang mag-isa, umaasa sa wala na sana may isang taong dadarating sayo ay ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa kanya, na kahit sa text lang ay ramdam mo talaga ung love niya sayo. 

4. Feeling Loveless. Lahat naman tayo, may karapatang magmahal at mahalin, pero ikaw, nagmamahal ka na nga, pero sayo ba, may nagmamahal? Alanganaman ikaw na lang magmahal sa sarili mo, sobrang self-determination naman yun. Wala nga kasing nanliligaw or wala bf/gf, kaya ayun, iniisip mo na parang binagsakan ka ng langit at lupa.

5. Makakatipid ka. Dahil wala kang bf/gf, lahat ng pera mo, sayo lang, lahat ng gusto mo mapa-gadget man yan o damit at sapatos, lahat makukuha mo ng mabilisan kasi wala kang kailangang paglaanan ng pera mo. Hindi mo kailangang tipirin yung sarili mo para lang may maipang date ko o may maibigay na regalo kay bf/gf tuwing monthsary niyo. Makakaporma ka ng maayos, kasi linggu-linggo ka na lang namimili.

6. Walang masakit sa ulo. Mahirap magkaroon ng bf/gf na sobrang gwapo o sobrang ganda naman. Kasi feeling mo, hindi lang ikaw ang nasa puso niya. Iiisipin mo na alng lagi kung loyal ba siya sayo, kasi nga, hindi naman imposible na maykaroon siya ng ka-fling sa iba, kahit sabihin naten na iakw lang talaga ang mahal niya. Hindi na natin maiiwasan talaga sa isang relasyon na magkaroon ng other woman si bf. Walang magpapaskit ng ulo mo dahil wala kang iniintinding problema, kung sino kaya kasama niya, ano ginagawa niya or kung mahal pa ba niya ako. 

     Taken ka man or NBSB (No Boyfriend Since Birth) ay hindi dahilan upang isisi sa mundo ang kapalaran mo. Sa mga Taken, payo ko lang, wag na wag mong lolokohin ang bf/gf mo. Isipin mo na lang na kung pano mo siya sinuyo para lang makuha siya ngayon. Pahalagahan mo, wag mong paiiyakin at wag n wag mong sasaktan. Minsan ka lang makahanap ng tunay na pagmamahal kaya wag mong sayangin ang taong tanggap ka kung ano ka,
    Sa mga wala namang bf/gf, SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko), take time lang! Wag kang magmadaling maghanap ng jowa, kasi hindi hinahanap yan, kusang darating yan sa yo. Malay mo, pag hindi mo hinanap o hinintay, anjan na pala siya sa harap mo, hindi mo lang nakikita. Isipin mo na lang na bawat isa sa mundo ay may nakalaang taong magmamahal sa iyo ng tunay. Hindi man ngayon, siguro sa tamang panahon. Kung wala ka pang makita ngayon, hayaan mo munang ang mga taong nasa paligid mo ang magpuno ng pagkukulang na pagmamahal na hinahanap mo sa isang jowa. 
     Kanya-kanya lang naman tayo ng kapalaran, nasa atin na iyon kung san at pano naten makakamit yun.

Sunday, 7 July 2013

Quotes for ...

MYSELF:

  • Dear God, thank you for waking me up and letting me live another beautiful day again. Amen.
  • Age is just a number. Maturity is a choice.
  • Dear Problems, My God is bigger than you. Good Bye.
  • Minsan mababadtrip ka nalang kahit walang dahilan.
  • Be yourself no matter what. Some will adore you and some will hate you. But who cares? It's your life. Make the most out of it.
  • DALAWANG BAGAY NA GUSTO KO SA MUNDO: UNA, ay ang pumayat. PANGALAWA, ay ang kumain.
  • Ang problema kasi sayo hindi ka matuto-tuto kahit na ilang beses ka nang nasaktan.
  • Yung daldal ka ng daldal tapos wala naman palang nakikinig sayo.
  • Minsan sa sobrang pag-iisip mo, nakakalimutan mong may nag-iisip din sayo.
  • Sa pag-ibig, puso ang pinaiiral, hindi kati ng katawan.
  • HINDI SA LAHAT NG ORAS LALAKI ANG MANLOLOKO. MINSAN, YUNG INTERNET DIN.
  • ANG MGA PARENTS: Pag sa lovelife, "ANG BATA BATA MO PA!" Sa gawaing bahay, "ANG TANDA TANDA MO NA!" -.-
  • Mahalin mo muna ang sarili mo bago mo mahalin ang ibang tao ;)
  • If you don’t love yourself, don’t expect other people to love you in return.
  • Pinakamasarap na feeling? Yun yung pinagmamalaki ka ng magulang mo ♥
  • Huwag magmadali sa pagmamahal, Hindi yan unahan, patagalan yan.
  • Masakit kapag nalaman mong iba ang iniisip ng ibang tao tungkol sayo kaysa sa totoong nangyayari sayo.
  • Kapag nagmahal ka, dapat through bad times hindi puro bed times!
  • Fact: Madalas tayong nai-inlove sa taong napapatawa tayo.

SINGLE:

  •  SINGLE does not always mean AVAILABLE
  • Ang mga single, tipid sa paggamit ng charger ng selpon. Di kasi agad nalolowbatt.
  • Minsan, yung mga taong mapaglaro sa damdamin ng iba, may kinatatakutan. Takot sila magmahal. Kasi, takot sila masaktan.
  • Kuntento na ako sa INSPIRASYON Kaysa Maki gulo sa magulong RELASYON! :D
  • Akala nila Taken ako, pero Single talaga ako, nasa mukha ko lang talaga ako pagiging Taken.


TAKEN

  • Sana lahat ng tao, marunong makuntento para wala ng taong nasasaktan.
  • Ang feelings NAWAWALA, lalo na kapag laging BINABALIWALA.
  • Wag kang magselos sa taong nasa paligid ko, kasi lahat sila alam na ikaw mahal ko.
  • Minsan kasi nakakasakit ka na
  • Wag mong ipagpapalit ang babaeng SERYOSO sa babaeng MAGANDA lang.
  • Ang INLOVE na LALAKE nagbabago para sa BABAE hindi yung PABAGO-BAGO ng BABAE.
  • Minsan, hindi natin kailangan yung perpekto dahil mas kailangan natin yung totoo.
  • Ang sarap nung feeling na mahal mo siya. Pero mas mahal ka niya. Tapos inggit sila. NGANGA pa yung iba


MOVE-ON

  • Dear Past, thank you for your lessons.  Dear Future, I'm Ready. Dear God, Thank You for giving me another chance.
  • Memories never die. <3
  • Dati: I Love You. Ngayon: I Leave You. </3
  • Falling in love was so easy, moving on was hard.
  • Iiyak ka muna bago ka maging masaya.
  • Minsan talaga kailangang may isakripisyo o magsakripisyo para sa ikabubuti ng lahat.
  • Hindi ako nagbago. Natauhan ako.
  • Mahirap makalimot sa isang taong maraming naiwang magagandang alaala sayo.
  • Wag mo akong ikukumpara sa EX mo dahil kung MAS OKAY SIYA, edi sana KAYO PA!
  • Pagpapalit mo na nga lang ako dun pa sa pangit.
  • Minahal mo sya nang sobra, niloko ka lang pala nya </3
  • Kaya mo pala ako iniwan kasi expired na yung pagmamahal mo. Ah sige.
  • Yung may narinig kang kanta tapos biglang nag flashback ang mga bagay na ayaw mong maalala.
  • Ang hirap bitawan ng mga bagay na gusto mong hawakan habangbuhay.


PAASA:

  • Di ka naman jejemon, pero ang hirap mong intindihin.
  • Anong tawag pag naging crush ka ng crush mo? ILUSYON.
  • Hindi naman siya manhid. Assuming ka lang talaga.
  • Pa-praktis praktis ka pa ng sasabihin mo, pero pag kaharap mo na, tameme ka na! Yan tayo ih.
  • Yung feeling na mamamatay ka na lahat-lahat, wala pa rin siyang pakialam sa `yo.
  • Pinapaasa ka ba kamo? O Sadyang umasa ka lang?
  • Huwag kang magpaka TANGA sa taong hindi naman alam ang iyong HALAGA.
  • Ewan ko kung assuming lang talaga ako o Paasa ka lang talaga
  • Kasalanan mo yan. Nahulog ka sa isang taong hindi mo man lang tinanong kung sasaluhin ka niya.
  • Pareho lang naman tayong umaasa. Ako sa’yo. Ikaw sa kanya.
  • Ang tanga mo naman. Nilandi ka lang, na-in love ka na kaagad?!
  • Mahirap magpamiss sa taong wala namang paki alam sayo.

CRUSH:

  • Kung school lang ‘tong puso ko, malamang, kahit walang pasok, present ka parin dito.
  • Stalk ka ng stalk, kaya ka nasasaktan eh!
  • Wag mo ng itanong kung ano ang gusto please? Baka kasi madulas pa ako at IKAW ang masabi ko :">
  • Yung effortless lang siya sa mga ginagawa niya pero ang cute niya parin.
  • Kapag tinanong mo kung gano kita kamahal, sasabihin ko “konti nalang", konti nalang lagpas langit na
  • Ako ang bida. Siya ang ka-love team ko. Sa love story na ako lang ang nakakaalam.
  • Kinausap mo na nga ng maayos, iisnobin ka pa. Aray ha.
  • Wala akong sinabing mahal ko siya, ang sakin lang, lately siya ang laging nasa isip ko.
  • Wag kang mainggit sa lovelife ng iba. Tara dito, mas iinggitin natin sila.
  • Yung HINDI ka pa rin SUMUSUKO sa isang BAGAY na GUSTO mo kahit IMPOSIBLE.
  • May timing lahat ng bagay. Minsan, kahit gusto mo siya at gusto ka niya, kung wala kayo sa timing, hindi uubra yan.
  • "CRUSH DIN KITA." Yan lang naman ang salitang gusto kong marinig sa crush ko.
  • Yung nag-send ka ng BANAT sa crush mo. Pero sinend nya rin sa crush NIYA.


FRIENDSHIP:

  • Lahat pwede mong maging kaibigan pero di lahat magiging totoong kaibigan.
  • Hindi mo naman sila kailangan i-please. MAGPAKATOTOO ka, dahil kung GUSTO ka nila, GUSTO ka talaga nila.
  • Hindi lahat ng tao, maiintindihan ka. Kaya magpasalamat ka sa mga tao na kahit minsan pangit ang ugali mo , pinapakisamahan ka.
  • Ikaw na nga ang may atraso, ikaw pa ang may ganang magalit.
  • Wag muna mag matapang pag wala pang napapatunayan.
  • Sa barkada, kapag umayaw ang isa, aayaw na ang lahat.
  • Kaya pala hindi na nagpaparamdam kasi wala na siyang kailangan.
  • Kung gusto mong samahan ka ng kaibigan mo, sabihin ang two magical words: "LIBRE KITA”.
  • Ganyan talaga ang buhay. Kung may inggit sayo, asahan mong may pilit na maninira sayo.
  • Hindi ako prangka, nagsasabi lang ako ng totoo.
  • Plastic detected. Nandiyan lang sa tabi-tabi.
  • Aanhin mo ang sandamakmak na kaibigan. Kung puro peke naman.
  • Yung kaibigan mong mas malupit pa sa abortionist kung manlaglag.
GIRLS
  • Girls, Huwag kayong magmadali, hindi naman kayo mauubusan ng lalaki .
  • "KATIKINESIS" -> Sakit ng MALALANDI.
  • Ipinaglihi ka ba sa KALAN? KALANdian? Hahaha.
  • Sana sinaing nalang ako. Para pag iniwan mo ako, magagalit nanay mo.
  • Hindi mo pa ko lubos na kilala. Kaya wala kang karapatang manghusga.
  • Aanhin mo pa ang MAGANDANG MUKHA kung pagdating sa mga aralin palagi kang BOKYA.
BOYS
  • Aanhin ang kagwapuhan kung di naman nirerespeto ang kababaihan!
  • Ang MATINONG lalaki.. Ginagawa munang ASAWA ang girlfriend bago gawing NANAY.
  • Nagagalit mga babae pag sinasabihan sila ng mataba.

Wednesday, 26 June 2013

Sa Isang Sulyap Mo


     Nagkagusto ka na ba sa isang tao? O nagkaroon ng tinatawag na Puppy love, soulmate o crush? Panigurado naman na lahat ng tao sa mundo ay napagdaanan ang ganitong pakiramdam. Bakit nga ba tayo kadalasang adik na adik lang sa mga taong gusto o crush natin? 

     Alam mo ba yung pakiramdam sa unang sulyap mo sa crush mo? Yung tipong humaba agad leeg mo dahil nasulyapan mo siya, nagmistulang giraffe ka kaagad dahil malayo pa lang natatanaw mo na siya, yung hindi ka mapakali sa kinatatayuan mo, hindi mo alam gagawin mo kung lalapitan at kakausapin mo ba siya. Hindi pati tibok ng puso mo, bumibilis ng bumibilis habang papalapit siya at yung tenga mo, nararamdaman mo na umiinit na hindi mo maipaliwanag kung bakit nangyayari yun sayo. Mahirap ipaliwanag pero halatang halata kung bakit ganoon ang nararamdaman mo. Iba talaga dating ni crush sayo noh? 

     Kung ang crush mo ay mas matanda sayo, wala naman masama dun. Kasi ang kahulugan naman nun ay  paghanga. Kung ikaw yung tipo ng tao na hindi nangangarap na maging kayo ng crush mo ay walang masama. Hanggat masaya ka lang na nakikita siya, go lang! Yung nakita mo crush mo, syempre si-nearch mo na agad sa FB o Twitter yung account niya. Ikaw tong mala-stalker lang ang peg sa pag-halungkat ng buo niyang pagkatao, dinaig mo pa ang investigator sa paghukay ng katauhan niya. Bonus prize na lang pag nakuha mo pa yung number niya. 
     

Monday, 24 June 2013

EX- Tapos Na Ba Talaga?


     "Nothing lasts Forever!" Masakit pakinggan pero kadalasang nangyayari sa panahon ngayon. Kahit ang mga mag jowa, syota, boyfriend/girlfriend, babe, honey ay nagmamahalan ng buong buo sa isa't isa at umabot pa sa puntong umabot sila ng taon o kahit buwan. Hinding hindi mawawala sa isang relasyon na dadating ang panahon na sasabihin nila na "Tama na to! pagod na ko" at matatapos na ang kanilang pinagsamahan ng dahil sa iba't ibang rason.
               Ngunit, makalipas ang ilang araw, linggo, buwan o taon na nagdaan, pano nga ba naten masasabi         kung talagang tapos na ba talaga tayo ni EX?



  1. Nagkausap kayo muli ni EX. Yung matapos ang ilang buwan mong paghahanap sa sarili mo, paghahanap ng bagong pagkakalibangan na dumating sa puntong di mo na siya naaalala at masaya ka na kahit di mo siya kapiling at napag-aralan mong mabuhay ng wala siya. Bigla-bigla siyang magtetext sayo at nangangamusta, tas kahit okay na kayo, sasabihin niyang may-Girlfriend/Boyfriend na siya uli, Alam mo yung pakiramdam na bigla kang kinabahan, bumibilis ang tibok ng puso mo, na pakiramdam mo magkakasakit ka dahil sa nalaman mong may bagong gf/bf na siya. Naka move-on ka na, oo! pero bakit ganun ang naramadaman mo? Hindi ba dapat wala ka ng pakielam? Siguro nga wala na siya sa buhay mo, as in 100% ka ng nakalimot, pero hangga't nalalaman natin na may bago na siya, bumabalik-balik pa rin ang nararamdaman naten sa kanya kahit 1% lamang. Hindi mo madedeny un kung ikaw ay single pa rin. Walaang masama kung naramdaman mo yun, parte lang yun ng nakaraan niyo na kahit kailan, hindi na mawawala sa puso mo.
  2. Nakita mo sila ng bagong bf/gf niya. Yung tipong naglalakad ka lang sa mall, tas bigla mong nakasalubong ang bago niyang bf/gf. bigla ka na lang napatahimik at hindi mapakali kung ano ang sasabihin o gagawin mo sa harap nila na magka-holding hands tas sobrang sweet pa. Kung ikaw naman yung tipo ng taong naka move-on na talaga. Hayaan mo na lang kung ganun ang maramdaman mo matapos mo silang makita. Magpakatotoo ka lang sa sarili mo at kamustahin mo sila. Siguro, makalipas ang oras o araw, masasabi mo na lang. "Siguro nga sila talaga para sa isa't isa" :)
  3. Nagparamdam muli sayo. Lahat ay karapatang mabigyan ng second chance, ngunit kung palagi na lamang natin itong binibigay. Wag kang Tanga! Hindi na pagmamahal ang tawag dyan, kundi Katangahan. Wag mong hayaang sa isang tao lang umikot ang mundo mo. Maraming tao jan na mas mamahalin ka ng mas higit sa ex mo. Magising ka sa katotohanang hindi na muli pang maibabalik ang dating kayo. Pahalagahan mo kung sino ang nandyan, at pabayaan mo at wag ng pilitin pa ang nang-iwan. Ang tiwala kasi ay parang babasaging bagay, sa oras na ito ay masira at magkaroon ng lamat, kailanma'y hindi mo na ito maibabalik sa dati nitong tibay at ganda. Isang bagsak pa ay tuluyan na iting mawawala at hindi na kailanma'y maibabalik pa.
Hindi sa lahat ng oras, mala-fairy tale ang kalalabasan ng lahat ng relasyon. Kadalasan, hanggang happily na lang tayo. Alam kong masakit, mahirap at malungkot na mawalan ng pinakamamahal mo. Ngunit, lahat ng ito ay malalagpasan mo at masasabi mo na lang "Ayy, tama nga! Buti na lang naghiwalay kami ng mas maaga". Darating din ang panahon na kung saan, makikilala natin ang tunay na magpapaligaya sa atin at ang magpapautloy ng love story mo. Huwag kang maghanap! dahil kusa yang darating sayo sa tamang oras at tamang panahon. Hindi sa lahat ng panahon ay may magmamahal sayo ng todo at totoo, kaya onne na dumating siya sa buhay mo, wag mo ng pakawalan pa! Lahat tayo may nakatadhana na nararapat satin. matutuo lang tayong maghintay