Friday, 25 October 2013

Status: SINGLE

   
     Ikaw ba yung tipong NBSB or No Boyfriend Since Birth? o ang binagsakan ng langit dahil walang nagtatangkang manligaw dahil sa panlabas mong anyo? O sadyang istrikto lang ng magulang mo kaya lage kang nasa bahay? O kaya naman, lagi ka na lang nasasaktan kaya tingin mo, lahat ng taong may gusto ngayon sayo, ay sasaktan ka na lang. Kung isa ka sa mga ito, panigurado, Single ang Status mo ngayon mapa-Facebook man o sa totoong buhay.
     Mahirap maging Single, Oo, alam ko yan, yung  pakiramdam na ikaw lang mag-isa. Anu-ano nga ba ang mga advantage at dis-advantage pag Single ka?

1. Sa lahat ng oras, mag-isa ka lang. Kahit na tatawid  ka pa lang habang umuulan, tas may nakasalubong kang mag-bf/gf na nasa iisang payong lang, sweet at magka-holding hands. Hindi mo maiiwasan ang mainggit at naiisip mo na sana, ako rin may bg/gf na kasama ngayon sa gitna ng ulan.

2. Walang ka-date. pag mga especial occasion tulad ng Debut or pag Valentine's Day, mag-aaya ka pa ng tropa mong lalake para lang masabing may kapartner ka. Masakit kaya sa pakiramdam pag nakita mo yung mga kaibigan mo na masaya sila kasi may kasama silang guy, tas ikaw mag-isang nakaupo sa sulok, naghihintay ng may mag-aaya para lang makasama ka o masayaw ka man lang. 

3. Walang nag-aalaga sayo. Yung feeling na loveless ka, na ultimo pagkagising mo, umaasa ka na may magtetetxt sayo ng "Good Morning Babe, Ingat ka ngayong araw aa, Miss na kita, I love You <3 " Masakit pero totoo, mag-sa mong bubuuin ang araw mo na ikaw lang mag-isa, umaasa sa wala na sana may isang taong dadarating sayo ay ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa kanya, na kahit sa text lang ay ramdam mo talaga ung love niya sayo. 

4. Feeling Loveless. Lahat naman tayo, may karapatang magmahal at mahalin, pero ikaw, nagmamahal ka na nga, pero sayo ba, may nagmamahal? Alanganaman ikaw na lang magmahal sa sarili mo, sobrang self-determination naman yun. Wala nga kasing nanliligaw or wala bf/gf, kaya ayun, iniisip mo na parang binagsakan ka ng langit at lupa.

5. Makakatipid ka. Dahil wala kang bf/gf, lahat ng pera mo, sayo lang, lahat ng gusto mo mapa-gadget man yan o damit at sapatos, lahat makukuha mo ng mabilisan kasi wala kang kailangang paglaanan ng pera mo. Hindi mo kailangang tipirin yung sarili mo para lang may maipang date ko o may maibigay na regalo kay bf/gf tuwing monthsary niyo. Makakaporma ka ng maayos, kasi linggu-linggo ka na lang namimili.

6. Walang masakit sa ulo. Mahirap magkaroon ng bf/gf na sobrang gwapo o sobrang ganda naman. Kasi feeling mo, hindi lang ikaw ang nasa puso niya. Iiisipin mo na alng lagi kung loyal ba siya sayo, kasi nga, hindi naman imposible na maykaroon siya ng ka-fling sa iba, kahit sabihin naten na iakw lang talaga ang mahal niya. Hindi na natin maiiwasan talaga sa isang relasyon na magkaroon ng other woman si bf. Walang magpapaskit ng ulo mo dahil wala kang iniintinding problema, kung sino kaya kasama niya, ano ginagawa niya or kung mahal pa ba niya ako. 

     Taken ka man or NBSB (No Boyfriend Since Birth) ay hindi dahilan upang isisi sa mundo ang kapalaran mo. Sa mga Taken, payo ko lang, wag na wag mong lolokohin ang bf/gf mo. Isipin mo na lang na kung pano mo siya sinuyo para lang makuha siya ngayon. Pahalagahan mo, wag mong paiiyakin at wag n wag mong sasaktan. Minsan ka lang makahanap ng tunay na pagmamahal kaya wag mong sayangin ang taong tanggap ka kung ano ka,
    Sa mga wala namang bf/gf, SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko), take time lang! Wag kang magmadaling maghanap ng jowa, kasi hindi hinahanap yan, kusang darating yan sa yo. Malay mo, pag hindi mo hinanap o hinintay, anjan na pala siya sa harap mo, hindi mo lang nakikita. Isipin mo na lang na bawat isa sa mundo ay may nakalaang taong magmamahal sa iyo ng tunay. Hindi man ngayon, siguro sa tamang panahon. Kung wala ka pang makita ngayon, hayaan mo munang ang mga taong nasa paligid mo ang magpuno ng pagkukulang na pagmamahal na hinahanap mo sa isang jowa. 
     Kanya-kanya lang naman tayo ng kapalaran, nasa atin na iyon kung san at pano naten makakamit yun.

No comments:

Post a Comment