Nagkagusto ka na ba sa isang tao? O nagkaroon ng tinatawag na Puppy love, soulmate o crush? Panigurado naman na lahat ng tao sa mundo ay napagdaanan ang ganitong pakiramdam. Bakit nga ba tayo kadalasang adik na adik lang sa mga taong gusto o crush natin?
Alam mo ba yung pakiramdam sa unang sulyap mo sa crush mo? Yung tipong humaba agad leeg mo dahil nasulyapan mo siya, nagmistulang giraffe ka kaagad dahil malayo pa lang natatanaw mo na siya, yung hindi ka mapakali sa kinatatayuan mo, hindi mo alam gagawin mo kung lalapitan at kakausapin mo ba siya. Hindi pati tibok ng puso mo, bumibilis ng bumibilis habang papalapit siya at yung tenga mo, nararamdaman mo na umiinit na hindi mo maipaliwanag kung bakit nangyayari yun sayo. Mahirap ipaliwanag pero halatang halata kung bakit ganoon ang nararamdaman mo. Iba talaga dating ni crush sayo noh?
Kung ang crush mo ay mas matanda sayo, wala naman masama dun. Kasi ang kahulugan naman nun ay paghanga. Kung ikaw yung tipo ng tao na hindi nangangarap na maging kayo ng crush mo ay walang masama. Hanggat masaya ka lang na nakikita siya, go lang! Yung nakita mo crush mo, syempre si-nearch mo na agad sa FB o Twitter yung account niya. Ikaw tong mala-stalker lang ang peg sa pag-halungkat ng buo niyang pagkatao, dinaig mo pa ang investigator sa paghukay ng katauhan niya. Bonus prize na lang pag nakuha mo pa yung number niya.
May nakilala nga akong isang kaibigan, babae siya, itago na lamang natin siya sa pangngalang Sam. Ang simpleng join overnight camping nooong December 2005 sa kanilang school noong siya ay nasa grade 4 pa lamang ay nahulog na agad ang kanyang puso sa isa nilang Camp Leader. Mga 4 years ang pagitan ng edad nila. Si Sam kasai yung tipo ng babaeng hindi mo mahahalata sa kanya na masy gusto siya sa isang lalaki, kahit maraming nagpapapicture sa Crush niya, hindi niya naisipang lumapit dito, yung tipong nakita niya lang ito, masaya na siya, pero sa loob-loob niya ay sobrang kilig na kilig siya. Dumating nga sa punto na nagkatext sila ng crush niya, sobrang saya niya, alam mo yung feeling na pag nagkakatext sila, kapag wala siyang load, mabilis pa sa kidlat kung magpa-load siya. Umabot ng 3rd year high school siya, patuloy pa rin silang nagkakatextan. May isang pangyayari na hindi niya makakalimutan, at iyon ay noong ininvite siya mismo ng Crush niya na lumabas,Syempre hindi naman siya tumanggi, akalain mo ba namang si Crush pa mismo nag-aya sayo, sino pa ba hindi tatanggi kahit na busy ka? Gagawa ka talaga ng paraan para magkita kayo. Nagkita sila sa may SM sa may Shakeys, afterlunch. Kakagaling lang ng school ni Sam pero half-day lang naman sila kaya hindi mahirap na makipag kita kay Crush. Nung panahong iyon, nagrereview si Crush para sa board exam niya, pero siningit pa rin niya na magkita sila. Hindi mapakali si Sam, kahit naka t-shirt at pants lang siya, todo ayos at pabango pa rin siya, nag tooth-brush pa nga siya para di anamn turn-off kay Crush pag nagkita sila. Ayun na nga, naghahanap lang pala sila. Nilibre ni Crush si Sam ng lunch. Todo usap ang dalawa kahit na kumakaen sila, kung anu-ano ang pinaguusapan nila. Sa loob-loob ni Sam, ito na ata ang pinaka masayang araw sa buhay niya, na ang dating nakakatext, pinapantasya at pinapangarap na lalake sa buhay niya matapos ang limang (5) taon, ay nasa tabi na niya, nakakausap, nakikita ng personal at kasabay kumaen. Kahit hanngang lunch lang sila dahil kailangan ng umuwi at mag-rereview pa si Crush, para kay Sam, parang buong araw silang nagkasama nito.
October 2011, ang buwan na nagkita sila ay tinandaan mismo ni Sam . Ngunit makalipas ang apat (4) na buwan. Bigla na lamang hindi nagpaparamdam si Crush kay Sam, naisip naman ni Sam na kukuha nga ng board exam si Crush kaya inintindii na lamang niya ito, kailangan mag-focus si Crush para makuha niya ang matagal niyang pinapangarap, ang makapasa sa board exam. Walang araw na hindi naalala at nalungkot sa Sam sa pagkawala ni Crush. Masakit sa kanya na mawalan sila ng komunikasyon nito pero dahil maintindihin naman siyang tao, kinaya niya ito at hindi naman naapektuhan ang pag-aaral niya, bagkus ay ginawa niya pa itong inspirasyon dahil napaka-positibo nitong tao. Hindi mo kailangan laging kausap o nakikita ang taong nagpapasaya sayo. Basta ang alam mo ay nasa puso't isipan mo siya, gaganahan ka talagang gumawa ng isang bagay. Syempre, laaht ng paghihirap, may sarap sa kahulihan. Ang Crush ni Sam ay nakapasa sa board exam. Syempre masayang masaya ito para kay Crush. Syempre updated siya sa FB nito kahit hindi sila nagkakatextan. Tinext at nag-Congratulate si Sam kay Crush, at nagpaliwanag naman ito kung bakit di niya nagawang magparamdam, ito ay dahil sa board exam. Maganda naman ang naging bunga ng pagtitiis ni Sam, dahil natupad ang pangarap ng Crush niya.
Hanggang ngayon ay nagkakatext pa rin sila. 1st year college na si Sa, Hindi na nasundan pa ang pagkikita nila ng Crush niya. Hindi na lamang sila nagtetext ngayon, nauso n sa pagitan nila ang Viber at WeChat. Sinasamantala ni Sam ang kakayahan ng Viber, nagpapadalahan sila ng latest picture sa isa't-isa. Kahit dalawa lang ang picture na naipadala ni Crush kay Sam, palagi itong tinitignan ni Sam bago matulog, ginawa niya pa nga itong screensaver minsan. Nang tumagal, nauso rin sa kanila ang WeChat sa pagitan nilang dalawa. Sa bawat voice chat na pinapadala ni Crush, paulit-ulit itong pinapakinggan ni Sam, yung pakiramdam na ngumingiti mag-isa, pag-uwi agad sa bahay, sabay online agad siya sa WeChat at tinitigan ang bawat PM ni Crush. Ito ang bumubuo sa araw ni Sam. Walang araw na hindi siya masaya, nagwawala, nagiging baliw, kilig na kilig sa bawat PM ni Crush sa kanya. Kasi simple lang siya kung magkagusto, pero ibang klase kung magkagusto., palagi silang nagbabanat jokes sa isa't isa. Kahit banat lang iyon, para kay Sam, sana totoo yun Dumating sa punto na ang topic nilang dalawa ay papunta na sa pag-amin ng nararamdaman ni Sam kay Crush ngunit ang sabi nito kay Crush "Wag mo munag alamin ngayon, kasi may tamang oras para sa lahat". Sa loob ng mahigit anim (6) na taon na pagtetext lang nila. Naging masaya naman si Sam. Syempre, noong panahong nakilala niya si Crush, bata pa siya nun. Ngayong lumaki at nagdalaga na siya, nagising siya sa katotohanan.
Kahit na gaano pa kasaya si Sam, ganoon din siya kung masaktan. Kahit kailan hindi mo makikita sa mukha ni Sam na malungkot siya. Dahil gusto lamang niya itong sarilinin. Nagising siya sa katotohanan na hindi siya magugustuhan nito kahit kailan. Dumating kasi ang mga araw na nararamdaman niya mismo na wala ng spark yung pag-uusap nila. Madalas nga kung gabi, kahit bakasyon, hindi natatapos ang usapan nila, madalas na nakakatulugan si Sam ni Crush. Ngunit inintindi lang ito ni Sam, iniisip niya na baka pagod lang ito o umalis kaya di nakapag abiso na matuutlog na siya. Dumating din yung gabi na hindi na sila nagkakausap kahit sa Viber o WeChat, kuntento na siya na inuulit-ulit na lamang niya ang boses nito at tinitignan ang mga litrato nitong nakatabi sa kanyang cellphone.
Umasa, nangarap, nagsumikap, nagtiis, nasaktan, umiyak, nalungkot - Yan ang mga paghihirap na pinagtiisan ni Sam sa loob ng mahigit pitong (7) taon. Sa sobrang pagka-humaling niya sa pagkagusto kay Crush, kadalasan nakakalimutan na niyang kalimutan ang sarili niya. Kahit mali, ipinapakita niya na tama. Kahit sa text lang, umasa si Sam na magugustuhan siya nito ngunit mali. Wala ng gana ang topic nila, paulit-ulit nalang na 'Kumaen ka na ba? Ano ginawa mo?' tas ganun na lang, mabagal pa siya magreply. Salamat na lang dahill hindi umamin ng nararamdaman niya si Sam, dahil baka may magbago pa sa pagkakaibigigan nila. Mas pinili na lamang niya na magkaibigan sila kaysa sa magKaibigan. Dahil sa pinapakita pa lamang ngayon ni Crush ngayon kay Sam, mukhang hindi na siya interesado dito. Hindi masama magkagusto o crush, kung sa tingin mong hanggang doon na lang talaga, doon na lang, wag ka ng umasa pa na magiging kayo. Katulad ni Sam, kuntento na lamang siya sa text lang, bonus na nga lang kung nakipag-kita uli siya kay Sam. Wag tayong magmadali. Darating ang taong karapat dapat saatin sa tamang panahon at oras.
"Pag wala kang expectations,mas hindi ka masasaktan.Pag may binigay sayo na hindi mo alam,
mas masarap sa pakiramdam"
No comments:
Post a Comment