Sunday, 2 February 2014

Pebrero 14: Araw ng mga Puso


                  "February na! Panahon na naman ng mga nag-iibigan". Yan ang mga sambit ng mga taong single o mga naghahanap ng lovelife nila ngayon. Hindi naman lahat ng tao pinalad ang magkaroon ng lovelife, kasalanan ba nila yun. yung ibang tao jan, nagpapaka-bitter na lang na akala mo, March na agad para malagtawan lang nila ang buwan na Pebrero. Saan nga ba nagsimula ang araw ng mga puso? Paano nga ba ito ipinagdiriwang? 
                
            Tuwing Pebrero kasi ginaganap ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Balentino, dito ipinapahiwatig ng mga magkakasintahan, mga mag-asawa at mga pamilya ang kanilang pag-ibig sa isa't isa at nagpapadala ng mga bulaklak, kard at kadalasan hindi sinasabi ang pangalan. Si San Balentino, ayon sa Katolisismo, ang siyang patron ng mga magkakasintahan. Simula noon, ay taun-taon ng nagaganap sa iba't ibang panig ng mundo ang pagdiriwang nito. 
           
         Simula sa mga bata hanggang sa matatanda ay hindi ito nilalagpasan. Swerte ka na lang kung may bf/gf ka, asawa, anak atbp. Kasi yung iba nga jan ang saklap ng mga nararanasan, mga broken-hearted, friendzoned, seenzoned, na-busted at sadyang minalas lang siguro. Mahirap isipin na hindi lahat ng tao masaya sa Pebrero 14, kaya dinadaan na lang sa pakaen-kaen, painum-inom kasama ang barkada at yung iba, desperado na kaya gumigimik sa mga bar/club at kinakapalan na ang mukha na sila mismo ang lamalapit sa babae at tinatanong ang pangalan nito sabay ang ma-nanching na. Hirap ng naman ng walang lovelife. 

        Kahit naman hindi ka pinalad, panigurado naman akong may mga taong nagmamahal sayo jan, hindi mo lang napapansin o nakikita kasi nakatutok ka masyado sa mga taong hindi ka naman binibigyan ng halaga, tingin-tingin din kasi sa gilid pag may time. Maging open-minded ka lang sa lahat ng taong nakapaligid sayo, For sure, masasabi mo na lang na, "Oo nga noh! Ang bulag ko pala noon kaya di ko na nagawang makita pa ang mga taong nagmamahal saken ng tunay". Anjan naman si:
        Bestfriend. Akala mo kaibigan lang turing sayo, na lage kang sinasamahan pag may kailanagn ka, sa oras na may problema ka siya ang una mong nilalapitan. Sa isang sulyap mo sa crush mo, siya ang nakakaranas ng mga hampas mo. Panahon naman siguro na siya namanang pag-tuonan mo ng pansin ngayon at pahalagahan at bigyan ng pagmamahal para masabi mong swerte ka ng andyan siya sayo lage. 
        Mama/Mommy/Nanay/Inay. Sa oras na uuwi ka ng bahay mo at umiiyak ka, tinatanong ka niya kung anong problema mo at sasabihin mo sakanya na may iba ng gusto o nagka-gf/bf na yung taong gustung-gusto mo. Walang nanay ang ginustong nakitang nahihirapan o nasasaktan ang kanyang anak. Pagkauwi mo, nakahain na sayo ang pagkaen mo at susubuin mo na lang, napakahalaga ka talaga sa magulang mo. Sana man lang kahit sa simpleng pag-aalala sayo ng nanay mo ay malaman mo kung gaano ka niya kamahal. Hindi lang naman lalake ang nagpapasaya sa atin ee. 

       Ang Pebrero ay buwan kung saan lahat ng tao ay nagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa taong mahalaga sa kanila. Huwag nating hayaang sirain ng ating kasalukuyang kalagayan sa buhay o status para hindi ito maipagdiwang. Hindi naman ito nangangailangan ng sobrang garbo o engrandeng preperasyon para mangyari, isang simpleng mahigpit na yakap at halik lang mula sayo ay sobra-sobra na ang kasiyahang matatamo ng taong mahal mo. Ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ang pasalamatan mo ang mga taong tumulong sayo sa lahat ng oras lalo sa mga taong naging totoo sayo at minahal ka kung sino ka talaga. 

            

No comments:

Post a Comment