Friday, 25 October 2013

Crush Kita, Crush Mo Ko... Pano Kaya to?


Siguro naman, sa buhay naten, nagkaroon na tayo ng Puppy love, love, Crush, Love birds, Love kitten, angry birds at kung ano ano pa..Pero ngayon, pagtuunan muna naten ng pansin ang usapang CRUSH, Ano nga ba talaga ang kahulugan nito.?

 Ito ang mga kadalasang ginagawa ng isang taong may CRUSH:
 1. Tingin ka ng tingin sa kanya.
  2.  Ini-stalk mo profile niya.
 3. Ina-add mo siya sa lahat ng networking sites. Humahanap ka talaga ng paraan para magkaroon ka ng connection sa iyong crush.

 Pag nga naman siniswerte ka, eto ung mga feeling na:
1. May problema si crush. at sa iyo siya lumapit para tulungan ka. Gagawa ka talaga ng paraan para matulungan siya. Minsan nga, yung mga di mo kayang gawin, nagagawa mo dahil sa kanya.  Kahit gaano pa yan kahirap, gagawa ka ng posibleng solusyon. 
2. Awkwardness kapag kaharap mo si crush at pag nagsimula na siyang kausapin ka, nakakalusaw ng laway diba? :D Hindi mo na alam ang gagawin at susunod mong hakbang, matutulala ka na lang at ma speechless ang dating mo pag kaharap mo na siya. ;)
3. Emotion na may umaaligid kay crush. Ikaw naman tong si feeling na kala mo kayo na ee over ka kung maka-emote na. At ang pinaka sad part pa nito, ay ang dumating sa point na inrelataionship na si crush sa bf/gf niya. Syempre, masakit sa pakiramdam, daig mo pa ang broken hearted, Mag eemote ka tha max ka at hahagulgol, Syempre hindi na rin mawawala jan ung pag iistalk sa profile ng boyfriend o gilfriend  ng crush mo, tapos lalait-laitin mo yung picture niya. Ex: "Maputi lang yan, paitimin mo, pangit yan!". 
4. Unang nag-pm sayo si crush. Tapos yun pala, may kailangan lang pala sayo. Nakakaaalala lang pag may kailangan sayo. Pero minsan naman, nag ppm siya para magsabi sayo ng "Good Morning", pero yun pala, GM (group message) lang pala iyon. 
  Lagi mo ring tatandaan na "Huwag kang tatabi sa classmate mong may crush sa loob ng classroom niyo"  dahil oras na napangiti ni ang crush niya, o napatitig sa kanya. MAG-READY ka na sa HAMPAS at KUROT. baka gawin ka lang niyang punching bag :D
  Napansin ko lang din na kapag may usapan at umpukan, pag si crush yung maingay, ikaw naman itong may crush sa kanya at tatahimik, nakikinig lang! at at pasimpleng ngingiti-ngit sa mga sinasabi niya. Pero pag siya naman ang tumahimik, ikaw naman itong aari-ariba na magpapapansin, magpapa-impress para mapansin ka lang ng todo.Wala yan sahypermode, it's either nasa articulation o nag-iinarte o nagjo-joke para mapangiti si crush. Ang sarap kaya ng feeling na napangiti mo si crush dahil sayo. :D

Pero pano naman kung May nagka-CRUSH sayo, pero DI mo TYPE? Anong gagawin mo? 
 1. Wag na wag mo siyang lalayuan. Bakit? dahil baka madis-appoint siya at baka masabi niya sa sarili niya na baka nagbago ka  dahil nalaman mong crush ka niya. At baka dumami pa ang population ng mga emo. :D 
 2. Wag kang umiwas. Hindi mo rin siguro gugustuhin kapag sayo nangyari yan. Just "enjoy the company" and "Go with the flow" malay mo, maging crush mo din siya ;)  

 Ang MOTTO ng may mga crush ay: "HUWAG NA HUWAG KANG MAGPAPAHULI NA NAKA-TINGIN KA SA KaNYA" dahil baka mahuli ka at magulat ka, dahil nakatingin din siya sayo. ayiee. 
  Pero based on experienced din, hindi saken, sa kaibgan ko. Nagsimula yang crush crush na yan sa asaran, jan nagsisimula ung spark, yung feeling na:
 "Wala siya" dahil absent, masakit ang ngipin.
 "Empty and INCOMPLETE" sana umabsent na lang ako.. 
Tapos pag anjan na siya, HAVEEY na HAVVEY, Kabog na Kabog. 
Siguro nung una, hindi mo pa siya LIKE, pero sa kalaunan, gustung-gusto mo na pala siya.

Sa kabilang dako naman.Paano mo malalaman na May Crush ng isng tao?
 1. Makipag eye-to-eye contact ka. Look in his eyes or her eyes. Pag hindi siya makatitig ng direcho sayo, ibig sabihin, naiilang siya, its either galit siya sayo o may pag-tingin siya sayo. ;)
 2. Tanungin mo siya. "May gusto ka ba saken?" pero ang dis-advantage lang nito ay kung wala asiyang crush sayo. Baka mag mukha kang assuming. 
  3. Hintayin mo siyang umamin. Lasingin mo siya (Just kidding!) para mailabas lahat ng kaibuturan ng puso niya. :D kasi hindi rin naman siya makakatiis na hindi umamin sayo pag nasasaktan na siya. 
 4. Pakiramdaman mo. Basta mararamdaman mo naman iyan. mararamdaman, ng mararamadaman mo yan. Pero wala ng makakatalo sa feeling na "Si Crush ay may crush din sayo" WINNER! tapos magiging kayo. Wow! ang gaLing! pero ang hindi mo alam, may isang puso  namang dumudugo.  

Pero laging tatandaan na ang CRUSH ay paghanga lamang. Yung iba naman kasi, pag sinabing may crush sayo, ASSUMING agad na LOVE ito. Walang masama kung magkaroon tayo ng crush, kung makakabuti naman ito sa pag-aaral naten o lifestyle. 

Status: SINGLE

   
     Ikaw ba yung tipong NBSB or No Boyfriend Since Birth? o ang binagsakan ng langit dahil walang nagtatangkang manligaw dahil sa panlabas mong anyo? O sadyang istrikto lang ng magulang mo kaya lage kang nasa bahay? O kaya naman, lagi ka na lang nasasaktan kaya tingin mo, lahat ng taong may gusto ngayon sayo, ay sasaktan ka na lang. Kung isa ka sa mga ito, panigurado, Single ang Status mo ngayon mapa-Facebook man o sa totoong buhay.
     Mahirap maging Single, Oo, alam ko yan, yung  pakiramdam na ikaw lang mag-isa. Anu-ano nga ba ang mga advantage at dis-advantage pag Single ka?

1. Sa lahat ng oras, mag-isa ka lang. Kahit na tatawid  ka pa lang habang umuulan, tas may nakasalubong kang mag-bf/gf na nasa iisang payong lang, sweet at magka-holding hands. Hindi mo maiiwasan ang mainggit at naiisip mo na sana, ako rin may bg/gf na kasama ngayon sa gitna ng ulan.

2. Walang ka-date. pag mga especial occasion tulad ng Debut or pag Valentine's Day, mag-aaya ka pa ng tropa mong lalake para lang masabing may kapartner ka. Masakit kaya sa pakiramdam pag nakita mo yung mga kaibigan mo na masaya sila kasi may kasama silang guy, tas ikaw mag-isang nakaupo sa sulok, naghihintay ng may mag-aaya para lang makasama ka o masayaw ka man lang. 

3. Walang nag-aalaga sayo. Yung feeling na loveless ka, na ultimo pagkagising mo, umaasa ka na may magtetetxt sayo ng "Good Morning Babe, Ingat ka ngayong araw aa, Miss na kita, I love You <3 " Masakit pero totoo, mag-sa mong bubuuin ang araw mo na ikaw lang mag-isa, umaasa sa wala na sana may isang taong dadarating sayo ay ipaparamdam sayo na mahalaga ka sa kanya, na kahit sa text lang ay ramdam mo talaga ung love niya sayo. 

4. Feeling Loveless. Lahat naman tayo, may karapatang magmahal at mahalin, pero ikaw, nagmamahal ka na nga, pero sayo ba, may nagmamahal? Alanganaman ikaw na lang magmahal sa sarili mo, sobrang self-determination naman yun. Wala nga kasing nanliligaw or wala bf/gf, kaya ayun, iniisip mo na parang binagsakan ka ng langit at lupa.

5. Makakatipid ka. Dahil wala kang bf/gf, lahat ng pera mo, sayo lang, lahat ng gusto mo mapa-gadget man yan o damit at sapatos, lahat makukuha mo ng mabilisan kasi wala kang kailangang paglaanan ng pera mo. Hindi mo kailangang tipirin yung sarili mo para lang may maipang date ko o may maibigay na regalo kay bf/gf tuwing monthsary niyo. Makakaporma ka ng maayos, kasi linggu-linggo ka na lang namimili.

6. Walang masakit sa ulo. Mahirap magkaroon ng bf/gf na sobrang gwapo o sobrang ganda naman. Kasi feeling mo, hindi lang ikaw ang nasa puso niya. Iiisipin mo na alng lagi kung loyal ba siya sayo, kasi nga, hindi naman imposible na maykaroon siya ng ka-fling sa iba, kahit sabihin naten na iakw lang talaga ang mahal niya. Hindi na natin maiiwasan talaga sa isang relasyon na magkaroon ng other woman si bf. Walang magpapaskit ng ulo mo dahil wala kang iniintinding problema, kung sino kaya kasama niya, ano ginagawa niya or kung mahal pa ba niya ako. 

     Taken ka man or NBSB (No Boyfriend Since Birth) ay hindi dahilan upang isisi sa mundo ang kapalaran mo. Sa mga Taken, payo ko lang, wag na wag mong lolokohin ang bf/gf mo. Isipin mo na lang na kung pano mo siya sinuyo para lang makuha siya ngayon. Pahalagahan mo, wag mong paiiyakin at wag n wag mong sasaktan. Minsan ka lang makahanap ng tunay na pagmamahal kaya wag mong sayangin ang taong tanggap ka kung ano ka,
    Sa mga wala namang bf/gf, SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko), take time lang! Wag kang magmadaling maghanap ng jowa, kasi hindi hinahanap yan, kusang darating yan sa yo. Malay mo, pag hindi mo hinanap o hinintay, anjan na pala siya sa harap mo, hindi mo lang nakikita. Isipin mo na lang na bawat isa sa mundo ay may nakalaang taong magmamahal sa iyo ng tunay. Hindi man ngayon, siguro sa tamang panahon. Kung wala ka pang makita ngayon, hayaan mo munang ang mga taong nasa paligid mo ang magpuno ng pagkukulang na pagmamahal na hinahanap mo sa isang jowa. 
     Kanya-kanya lang naman tayo ng kapalaran, nasa atin na iyon kung san at pano naten makakamit yun.