Nagkagusto ka na ba sa isang tao? O nagkaroon ng tinatawag na Puppy love, soulmate o crush? Panigurado namanna lahat ng tao sa mundo ay napagdaanan ang ganitong pakiramdam. Bakit nga ba tayo kadalasang adik na adik lang sa mga taong gusto o crush natin? Alam mo ba yung pakiramdam sa unang sulyap mo sa crush mo? Yung tipong humaba agad leeg mo dahil nasulyapan mo siya, nagmistulang giraffe ka kaagad dahil malayo pa lang natatanaw mo na siya, yung hindi ka mapakali sa kinatatayuan mo, hindi mo alam gagawin mo kung lalapitan at kakausapin mo ba siya. Hindi pati tibok ng puso mo, bumibilis ng bumibilis habang papalapit siya at yung tenga mo, nararamdaman mo na umiinit na hindi mo maipaliwanag kung bakit nangyayari yun sayo. Mahirap ipaliwanag pero halatang halata kung bakit ganoon ang nararamdaman mo. Iba talaga dating ni crush sayo noh? Kung ang crush mo ay mas matanda sayo, wala naman masama dun. Kasi ang kahulugan naman nun ay paghanga. Kung ikaw yung tipo ng tao na hindi nangangarap na maging kayo ng crush mo ay walang masama. Hanggat masaya ka lang na nakikita siya, go lang! Yung nakita mo crush mo, syempre si-nearch mo na agad sa FB o Twitter yung account niya. Ikaw tong mala-stalker lang ang peg sa pag-halungkat ng buo niyang pagkatao, dinaig mo pa ang investigator sa paghukay ng katauhan niya. Bonus prize na lang pag nakuha mo pa yung number niya.
"Nothing lasts Forever!" Masakit pakinggan pero kadalasang nangyayari sa panahon ngayon. Kahit ang mga mag jowa, syota, boyfriend/girlfriend, babe, honey ay nagmamahalan ng buong buo sa isa't isa at umabot pa sa puntong umabot sila ng taon o kahit buwan. Hinding hindi mawawala sa isang relasyon na dadating ang panahon na sasabihin nila na "Tama na to! pagod na ko" at matatapos na ang kanilang pinagsamahan ng dahil sa iba't ibang rason.
Ngunit, makalipas ang ilang araw, linggo, buwan o taon na nagdaan, pano nga ba naten masasabi kung talagang tapos na ba talaga tayo ni EX?
Nagkausap kayo muli ni EX. Yung matapos ang ilang buwan mong paghahanap sa sarili mo, paghahanap ng bagong pagkakalibangan na dumating sa puntong di mo na siya naaalala at masaya ka na kahit di mo siya kapiling at napag-aralan mong mabuhay ng wala siya. Bigla-bigla siyang magtetext sayo at nangangamusta, tas kahit okay na kayo, sasabihin niyang may-Girlfriend/Boyfriend na siya uli, Alam mo yung pakiramdam na bigla kang kinabahan, bumibilis ang tibok ng puso mo, na pakiramdam mo magkakasakit ka dahil sa nalaman mong may bagong gf/bf na siya. Naka move-on ka na, oo! pero bakit ganun ang naramadaman mo? Hindi ba dapat wala ka ng pakielam? Siguro nga wala na siya sa buhay mo, as in 100% ka ng nakalimot, pero hangga't nalalaman natin na may bago na siya, bumabalik-balik pa rin ang nararamdaman naten sa kanya kahit 1% lamang. Hindi mo madedeny un kung ikaw ay single pa rin. Walaang masama kung naramdaman mo yun, parte lang yun ng nakaraan niyo na kahit kailan, hindi na mawawala sa puso mo.
Nakita mo sila ng bagong bf/gf niya. Yung tipong naglalakad ka lang sa mall, tas bigla mong nakasalubong ang bago niyang bf/gf. bigla ka na lang napatahimik at hindi mapakali kung ano ang sasabihin o gagawin mo sa harap nila na magka-holding hands tas sobrang sweet pa. Kung ikaw naman yung tipo ng taong naka move-on na talaga. Hayaan mo na lang kung ganun ang maramdaman mo matapos mo silang makita. Magpakatotoo ka lang sa sarili mo at kamustahin mo sila. Siguro, makalipas ang oras o araw, masasabi mo na lang. "Siguro nga sila talaga para sa isa't isa" :)
Nagparamdam muli sayo. Lahat ay karapatang mabigyan ng second chance, ngunit kung palagi na lamang natin itong binibigay. Wag kang Tanga! Hindi na pagmamahal ang tawag dyan, kundi Katangahan. Wag mong hayaang sa isang tao lang umikot ang mundo mo. Maraming tao jan na mas mamahalin ka ng mas higit sa ex mo. Magising ka sa katotohanang hindi na muli pang maibabalik ang dating kayo. Pahalagahan mo kung sino ang nandyan, at pabayaan mo at wag ng pilitin pa ang nang-iwan. Ang tiwala kasi ay parang babasaging bagay, sa oras na ito ay masira at magkaroon ng lamat, kailanma'y hindi mo na ito maibabalik sa dati nitong tibay at ganda. Isang bagsak pa ay tuluyan na iting mawawala at hindi na kailanma'y maibabalik pa.
Hindi sa lahat ng oras, mala-fairy tale ang kalalabasan ng lahat ng relasyon. Kadalasan, hanggang happily na lang tayo. Alam kong masakit, mahirap at malungkot na mawalan ng pinakamamahal mo. Ngunit, lahat ng ito ay malalagpasan mo at masasabi mo na lang "Ayy, tama nga! Buti na lang naghiwalay kami ng mas maaga". Darating din ang panahon na kung saan, makikilala natin ang tunay na magpapaligaya sa atin at ang magpapautloy ng love story mo. Huwag kang maghanap! dahil kusa yang darating sayo sa tamang oras at tamang panahon. Hindi sa lahat ng panahon ay may magmamahal sayo ng todo at totoo, kaya onne na dumating siya sa buhay mo, wag mo ng pakawalan pa! Lahat tayo may nakatadhana na nararapat satin. matutuo lang tayong maghintay